Isang bukas na liham para sa lalaking minahal ko ng sobra :)
Uhm. Hi. Wala lang. Naalala lang kita. Namimiss na kita. Promise! Namimiss ko na mga kagaguhan mo at yung pagtawag mo sa bahay kahit na may pinapatulog kang bata. Hindi na nga ako naalis sa tabi ng telepono dati e. Bigla-bigla ka kasing natawag. Haha.
Nasa akin pa nga yung papel na sinulatan mo ng FLAMES e. Hahaha. Naaalala mo yun? Hindi na siguro. Binigay yun sa akin dati ng kapatid mo. Natawa daw kasi sya sa'yo. Kalalaki mong tao, nagsusulat ka ng ganun.
Hay. Kapag nakikita ko yung mga pics mo, naiinis ako sa sarili ko. Dapat ikaw yun e. Hindi yung bwisit mong kaklase. Tae ka naman kasi. Hindi mo na ako kinausap simula nung naging kami ng kaklase mo. Lagi mo akong dinededma. Kapag nakakasalubong ka namin, lahat ng kasama ko kinakausap mo, pero ako hindi. Badtrip yun, akala mo ba. Sa'yo kaya gawin yun, matutuwa ka kaya?
Dahil dun, hindi na ako nag-try kausapin ka. Ayokong mapahiya noh. At dahil tanga pa ako noon, hindi man lang ako nag-sorry sa'yo. Alam kong sobrang inis ka sa akin noon. Pinagsisihan ko na yun. Nagpakatanga ako e. Hindi ako naghintay. Ngayong hindi na ako tanga, gusto kong mag-sorry sa'yo. SORRY SORRY SORRY. Hindi ko naman sinasabing kausapin mo pa ako ulit, pero sana naman, wala ka nang galit sa akin. Nanghihinayang talaga kasi ako sa nangyari sa atin.
No comments:
Post a Comment