08 November 2007

Second Sem

Update lang. ^^


Nov. 07, 2007
First day!

Whew. First day. NSTP and Drawing. Mainit sa GDO. Yun lang ang masasabi ko sa NSTP. Hahaha. Haay. Sa Drawing naman, ako lang ULIT ang mag-isang estudyanteng babae sa room. T_T Hinati na namang ang klase sa dalawa at alphabetically arranged na naman.

Wala kaming irreg sa NSTP. Sa Drawing lang meron, si Mariz. Heheh.


Nov. 08, 2007
Second day.

Ang daming klase ngayon. T_T Lima lang naman. Analytic Geometry, REED, Filipino, English, at Social. Kapagod.

Yung sa AnalGeom, may quiz agad. Pero ok lang naman. Heheh. Tapos yung REED142 prof namin, parang si Sir Tamonan (REED141 prof) lang din. Hehe. Mabait. Sa Fili102 naman, ako na-assign na seat plan monitor. Hehe. Ayos naman yung prof namin. Parang pinaghalong Sir Nathz (Fili101 prof) at Sir Lucio (Engl101 prof). Hehe. Late nga lang kami pinalabas kanina. Kaya ayun, late kami kanina sa English. Buti na lang mabait yung prof. Hehe.

Wee. Yung prof namin sa Social ang gusto ko. Si Sir Adrian. Hehehe. Gusto ko siya. Sobrang bait nya. Super. Parang tropa lang namin. Kalog at palakwento sya. Hehe. Nagkwento nga siya kanina agad e. Yung kwento ni Lone Ranger. Hehe. First meeting pa lang may natutunan agad ako sa kanya. Hehe. Hindi lang yun ah, gwapo pa siya. Hahaha.

Dalawa nga pala irreg namin sa AnalGeom. Si Ate Aicelle saka si Mariz. Sa REED142, si Majal. Sa Fili102 naman, dalawang lalaki. Di ko maalala yung names e. Heheh. Sa English wala. Sa Social, si Celine, AB Psychology. Ayun. Bagong friends. ^^


Ayun. Ayos naman yung first and second day. Wala nga lang si Kenneth kaya kulang kami.

No comments:

Post a Comment